Bossing Vic, patigilin kaya si Pauleen sa showbiz kapag mag-asawa na sila?

Bukod sa kanilang kasal, nakaplano na rin daw ang honeymoon nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pero patigilin kaya ni Bossing Vic sa showbiz si Pauleen Luna kapag opisyal na itong naging Mrs. Sotto?

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, tipid pa rin si Vic sa pagbibigay ng detalye sa gaganapin nilang kasal tulad ng posibilidad na makasama sa wedding entourage ang kaibigan ni Pauleen na si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.

– See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/551442/showbiz/chikaminute/bossing-vic-patigilin-kaya-

“Kahit naman ako, inaabangan ko rin. We will be sharing with everyone, hindi ko lang binibigay lahat ng mga detalye,” paliwanag niya.

Masaya rin si Vic sa suportang nakukuha sa mga nagmamahal sa kanila ni Pauleen tulad ng bachelor’s party na ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan.

“Nakakatuwa. These are the times na makikita mo kung gaano ka ka-importante sa tao, lalo na sa mga kaibigan mo. All the support and wishes that I’ve been, we’ve been getting, nakakatuwa,” aniya.

Matapos ang kasal, may plano na rin daw sila ni Pauleen sa honeymoon.

“We leave after a few days,” ani Vic. Nang tanungin kung sa Europe sila pupunta, biro niyang tugon. “Hindi, dito lang, dito sa Cubao siguro.”

Tungkol naman sa pagkakaroon agad ng anak, paliwanag ni Vic, “Depende.  If we will be blessed right away, kung mabibiyayaan, why not?”

Sinabi naman ni Vic na ipapaubaya niya kay Pauleen ang desisyon kung nais nitong magpatuloy sa pag-aartista kapag mag-asawa na sila.

“Nasa kanya na ‘yon. Kung gusto niyang ipagpatuloy o gusto niya na lang maging plain housewife, it’s really up to her. I’ll be supporting whatever decision she arrives at,” ayon kay Bossing. — FRJ, GMA News

– See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/551442/showbiz/chikaminute/bossing-vic-patigilin-kaya-si-pauleen-sa-showbiz-kapag-mag-asawa-na-sila#sthash.qU4SR2FC.dpuf

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*